top of page

ILY since

04/23/2021

Moments Together

Message to the one I love...

To My Dearest Bebi/Wifey,
Happy 3rd Anniversary to us!! Habang ginagawa ko 'tong letter na 'to, di ko mapigilan mapangiti kase I can't believe na we have been together for 3 years na. Wala lang, sobrang natutuwa lang ako.

Ang daming nangyari sa loob ng 3 years natin. Nandyan yung away, misunderstandings, paghaharutan, pikunan, eme emeng breakups, pero kahit ganon mga nangyari, strong pa rin tayo. Lagi ko nga sinasabi na if hindi ikaw makakasama ko sa future, hindi na lang ako magmamahal ulit. Gusto ko ikaw lang palagi. Sobrang na-attach na ako sayo eh. Tipong ikaw lang nagpapabalik sa'kin sa katinuan. Ikaw lang din yung nagsisilbing light sa madilim kong mundo. Iba epekto sa'kin ng presence mo eh. Kung mag break man tayo tapos tatanungin ako kung sino TOTGA or greatest love ko, ikaw yung isasagot ko. Di lang basta basta girlfriend turing ko sayo eh, partner in everything na.

Bebi, I just want to say thank you for everything. Di lang ako expressive na tao pero sobra kitang na-appreciate bebi. Sa pag aalaga mo sa'kin. For always making me happy. For loving me unconditionally. For supporting me. Madami pa yan bebi, di ko na iisa isahin pa. Basta na-aappreciate ko lahat sayo at mga ginagawa mo. Sana ako pa rin yung pahinga mo tuwing napapagod ka. Sana ako pa rin yung gusto mong makasama sa habangbuhay.
Bebi, Happy 3rd Anniversary to us. I love you beyond measure. I am so grateful kasi ikaw yung naging partner ko and lagi mo tatandaan na, ikaw lang palagi kong mamahalin at pipiliin.

Sincerely yours,
-Chen

00:00 / 01:04
PICS (9).jpg
bottom of page